Skip to main content


 CHAPTER 11


THE LOVE THAT STOOD BETWEEN DEATH AND HIM


The coffee shop was already beginning to fill with people when Isha caught sight of Malcolm walking through the glass door.


He was still wearing his work clothes, his tie slightly loosened and his sleeves rolled up, looking like someone who had just survived a long day at the office.


But the moment his eyes found her, his tired expression immediately softened.


“There you are,” he said.


Isha smiled. “I've been waiting for you.”


“Sorry. I got held up at work.”


“It's okay.”


Malcolm walked toward her and, without caring about the people around them, gently kissed her forehead.


“I missed you.”


Isha smiled wider. “You just saw me this morning.”


“Still missed you.”


She laughed as he reached for her hand.


“Let's eat?”


“Yeah, Let's eat”


As they walked out of the coffee shop hand in hand, Malcolm pulled her closer to his side.


Isha looked up at him, laughing softly.


“Malcolm, people are looking.”


“Let them.”


And they did.


Some smiled.


Some glanced at them twice.


Others couldn't help but watch as Malcolm affectionately fixed a strand of Isha's hair before they continued walking toward the restaurant.


They were simply being themselves.


Two people deeply, shamelessly, and completely in love.


And for tonight, nothing else mattered.

--------

"Masarap ba ang pagkain?"

Nakangiting tanong ni Isha kay Malcolm habang pinagmamasdan niya ito.

“Yes, masarap siya,” Malcolm answered with a smile. “And the night became even better because I’m spending it with you.”

Isha smiled.

“Thank you sa flowers na binigay mo, mahal ko.”

She looked at the flowers beside her.

Pink roses.

Her favorite.

Noong mga panahong magkaibigan pa lamang sila ni Malcolm, minsan lang niyang nabanggit na paborito niya ang mga ito. She never expected him to remember such a small detail.

Marahil nga, ganoon talaga kapag mahal mo ang isang tao.

You pay attention to the little things.

Napapansin mo ang mga bagay na gusto niya. Naaalala mo ang mga simpleng kwento niya kahit matagal na niyang nakalimutan na sinabi niya iyon sa'yo.

But there was something strange about it.

Sa panahong ito, wala naman siyang nasasabi kay Malcolm na paborito niya ang pink roses.

Kaya hindi niya maiwasang magtanong.

“Mahal, paano mo pala nalaman na magugustuhan ko ang pink roses?”

Malcolm smiled and reached for her hand.

“Misis ko, napapansin ko dati noong hindi pa tayo…”

His thumb gently brushed the back of her hand.

“Sa tuwing napapadaan tayo sa mga lugar na may pink roses, sobra kang makatingin doon. I thought maybe they were your favorite flowers.”

Hindi agad nakapagsalita si Isha.

She simply stared at him.

Kahit noon pa man, ganoon na sa kanya si Malcolm..

He had always been observant.

Tahimik nitong napapansin ang maliliit na bagay tungkol sa kanya—mga bagay na hindi niya naman sinasadyang ipaalam.

At kahit ngayon, ganoon pa rin ito.

“Sobrang na-touch naman ako sa sinabi mo, asawa ko,” she said softly. “Ganoon ka pala ka-attentive sa akin.”

“Syempre.”

Malcolm smiled.

“Ganoon kita kamahal.”

Hindi na nito napigilan ang sarili at lumipat ng upuan papunta sa tabi ni Isha.

Kanina pa niya gustong gawin iyon.

Hindi kasi siya sanay na malayo kay Isha, kahit ilang upuan lang ang pagitan nila.

Napatawa si Isha.

“Hindi mo na natiis, nu?”

“Hindi ko na matiis na hindi tayo magkatabi eh.”

He immediately wrapped his arms around her.

“Namimiss na tuloy kita.”

Napailing si Isha habang natatawa.

“Malapit lang naman ako sa'yo.”

“Still, I miss you.”

Mas hinigpitan ni Malcolm ang yakap sa kanya na para bang napakalayo ng pagitan nila kanina.

“I love you so much,” he whispered. “Sobra, mahal kong misis.”

Bumitaw si Isha sa yakap at tumingin sa kanya.

“I love you more, mahal kong asawa.”

Hinawakan niya ang mukha ni Malcolm.

“Mahal na mahal kita.”

“Mas sobrang mahal na mahal na mahal kita.”

Nakangiti nilang sinabi iyon sa isa't isa bago marahang hinalikan ni Malcolm ang noo ni Isha.

Then he took her hand and kissed it gently.

Punong-puno ng pagmamahal ang dinner date nilang iyon.

The kind of love that was so obvious, even strangers couldn't help but notice.

May mga taong dumadaan na napapatingin sa kanila. Even some of the restaurant staff couldn't help but smile whenever they saw the two of them together.

They looked happy.

They looked like two people who had finally found their way back to each other.

------

Pagkatapos nilang kumain at bayaran ang bill, lumabas na sila ng restaurant.

Magkahawak-kamay silang naglalakad habang masayang pinag-uusapan ang movie na balak nilang panoorin pagdating sa bahay.

“What do you want to watch?” tanong ni Malcolm.

“Anything. Ikaw bahala.”

“Romance?”

“No.”

“Action?”

“Maybe.”

“Then horror.”

Agad siyang napatingin kay Malcolm.

“Malcolm!”

Natawa ito.

“I’m kidding.”

“Gusto mo lang akong takutin.”

“Hindi ah.”

“Liar.”

They both laughed.

But their laughter didn't last long.

May napansin silang kaguluhan sa unahan.

People were suddenly running.

May mga sigawan.

May ilang taong nagtatakbuhan palayo sa isang bahagi ng kalsada.

Napahinto si Isha.

“Malcolm…”

She instinctively held his hand tighter.

“Halika. Umalis tayo dito.”

Ayaw niyang madamay sila sa anumang gulong nangyayari.

Hihilahin na sana niya si Malcolm palayo nang bigla niyang makita ang isang lalaki.

He was running.

Two police officers were chasing him.

At sa direksyong tinatakbuhan nito, napansin ni Isha na tila papunta ito sa kanila.

More specifically—

Kay Malcolm.

Nanlaki ang mga mata niya.

Then she saw it.

A knife.

Isang patalim ang hawak ng lalaki habang mabilis itong tumatakbo.

Everything happened too fast.

Hindi na nakapag-isip si Isha.

She didn't even have time to be afraid.

Ang tanging naisip niya ay si Malcolm.

Kaya bago pa man tuluyang makalapit ang lalaki—

Humarang siya.

“Isha!”

Isang sigaw.

Isang mabilis na galaw.

At isang matinding sakit.

Bumaon ang patalim sa kanyang tagiliran.

Not Malcolm.

Her.

Mas lalong nagkagulo ang mga tao.

May mga sumigaw. May mga nagsitakbo palayo.

At sa gitna ng kaguluhan, nakatakas ang lalaking nanaksak kay Isha.

Hindi na siya nahabol ng mga pulis dahil mas inuna nilang tulungan ang sugatang biktima.

Marahil, iyon talaga ang plano ng lalaki.

To create chaos.

To use another person as a distraction so he could escape.

Samantala, hindi makagalaw si Malcolm.

Nakatitig lamang siya kay Isha habang nanginginig ang buong katawan.

“Isha…”

Ngumiti ito sa kanya.

A small, reassuring smile.

Pero hindi na niya kayang panindigan ang sakit.

Unti-unting nanghina ang kanyang mga tuhod.

At bago pa man tuluyang bumagsak si Isha, mabilis siyang sinalo ni Malcolm.

“Isha!”

Hindi na rin nito napigilan ang pagpatak ng kanyang mga luha.

“Isha…”

Naririnig pa siya ni Isha.

But his voice was becoming distant.

Malabo na ang bawat salitang sinasabi nito.

She tried to keep her eyes open.

She wanted to tell him she was okay.

But she couldn't.

At tuluyan na siyang nawalan ng malay.

-------

Mabilis na isinugod si Isha sa hospital.

Agad siyang ipinasok sa operating room dahil sa sobrang lalim ng sugat sa kanyang tagiliran at sa dami ng dugong nawala sa kanya.

Samantala, si Malcolm ay naiwan sa labas ng operating room.

Nakaupo lamang siya.

Head lowered.

Hindi niya ma-process ang lahat ng nangyari.

Kanina lamang, masaya silang kumakain.

Kanina lamang, magkahawak ang kanilang mga kamay.

Kanina lamang, pinag-uusapan nila kung anong movie ang papanoorin nila pagdating sa bahay.

And now, Isha was fighting for her life inside an operating room.

Hindi niya maintindihan kung bakit nangyayari ang lahat ng ito sa kanila.

Why did it have to happen?

Bakit ngayon?

Bakit kay Isha?

“Si Isha!”

Biglang napatingin si Malcolm.

It was Carlo.

Humahangos itong dumating sa hospital, halatang-halata ang pagmamadali.

Nakasuot pa ito ng pangtulog na damit na pinatungan lamang ng jacket.

At ang suot nitong tsinelas ay hindi man lang magkapareha.

Wala siyang pakialam.

Nang makita niya sa balita at social media ang video ng pananaksak na mabilis na nag-viral sa internet, agad niyang hinanap kung saang hospital dinala si Isha.

At nang malaman niya kung saan ito naroon, walang pagdadalawang-isip siyang umalis.

Ngunit pagdating niya—

Nakayuko lamang si Malcolm.

“Nasa operating room pa siya,” mahina nitong sabi.

Hindi pa rin siya makatingin kay Carlo.

“Inooperahan siya ngayon dahil sa sobrang lalim ng sugat niya. Maraming nawalang dugo sa kanya.”

Tahimik na tumingin si Carlo sa kanya.

Then anger took over.

“Bakit hindi mo siya pinrotektahan?”

Kinuwelyuhan niya si Malcolm.

“Wala kang kwenta!”

Napatingin si Malcolm sa kanya.

“Hindi ito mangyayari sa kanya kung inalagaan mo siya nang maayos.”

Nanginginig sa galit ang boses ni Carlo.

“Ikaw at ikaw ang dahilan sa bawat kamalasan na nangyayari sa buhay niya!”

Hindi na nakapagpigil si Malcolm.

Isang malakas na suntok ang pinakawalan niya.

Napahiga si Carlo sa sahig.

“Anong karapatan mong sabihin sa akin 'yan?!”

Kinuwelyuhan niya rin ito.

“Kaibigan ka lang niya!”

Humihingal si Malcolm.

“Sa tingin mo ba gusto ko ang nangyari?!”

His voice cracked.

“Gusto kong mapahamak siya?”

Napuno ng luha ang kanyang mga mata.

“Siya ang buhay ko.”

Unti-unting lumuwag ang pagkakahawak niya sa damit ni Carlo.

“Hindi ko kayang mapahamak siya… hindi ko kayang mawala siya sa akin.”

Binitiwan niya si Carlo.

“If I could turn back time…”

Napapikit siya.

“Ako na lang sana.”

Isang luha ang tuluyang bumagsak mula sa kanyang mata.

“Ako na lang sana ang nasa loob ng operating room at nag-aagaw buhay.”

Huminga siya nang malalim.

“Ako na lang sana ang nasaksak at hindi siya.”

Tumingin siya kay Carlo.

“Kaya wala kang karapatang sabihin sa akin 'yan.”

At doon—

Realization hit Carlo.

Para siyang biglang ginising ng katotohanan.

He was only her friend.

Isang matalik na kaibigan na lihim na nagmamahal kay Isha.

At kahit gaano kalalim ang pagmamahal niya rito, wala rin siyang karapatang sisihin si Malcolm.

Dahil ang lalaking nakatayo sa harap niya ay hindi lamang lalaking pinakamamahal ni Isha.

Ito ang lalaking handang ibigay ang sariling buhay para sa kanya.

“Sinabi ko naman sa'yo, diba?”

Dahan-dahang tumayo si Carlo mula sa pagkakabagsak niya sa sahig.

“Kapag may nangyaring masama kay Isha, aagawin ko siya sa'yo.”

Tumingin siya kay Malcolm.

“Oo, kaibigan lang ako. At marahil para sa'yo, wala akong karapatan.”

His voice softened.

“But I care for her.”

Napangiti siya nang mapait.

“I care for her because I love her.”

Nanigas ang mukha ni Malcolm.

“Anong sabi mo?”

Galit ang kanyang boses.

Bahagyang napangiti si Carlo.

“Ang sabi ko… aagawin ko siya sa'yo.”

Napangiti rin si Malcolm.

Pero walang saya sa ngiting iyon.

“Kung maagaw mo siya.”

Maikli lamang ang sagot niya.

At bago pa man tuluyang lumala ang kanilang away, bumukas ang pinto ng operating room.

Lumabas ang doktor na nag-operate kay Isha.

“Doc, kumusta siya?”

Agad na lumapit si Malcolm.

Tiningnan siya ng doktor.

“The patient is still unconscious.”

Napalunok si Malcolm.

“Inilipat na rin namin siya sa ICU. Tinitingnan pa namin kung magre-respond siya sa gamot.”

Saglit itong tumigil.

“Sa ngayon, ang legal guardian niya muna ang maaaring bumisita at magbantay sa kanya. Kapag nagising na siya at nailipat na sa regular room, maaari na siyang tumanggap ng ibang bisita.”

Tumingin ang doktor sa kanilang dalawa.

“Sino pala dito si Mr. Malcolm Louie Dwayne Cromwell?”

“Ako po, Doc.”

“You're the legal guardian of the patient.”

Tumango si Malcolm.

“Maaari ka nang sumunod sa akin para sa kakailanganin mong isuot at para makapag-sanitize bago ka pumasok sa ICU.”

Walang sabi-sabing sumunod si Malcolm sa doktor.

At naiwan doon si Carlo.

Mag-isa.

Wala siyang magawa para makita si Isha.

Dahil ano nga naman ang laban niya kay Malcolm?

He was only her friend.

Samantalang si Malcolm…

Siya ang tinitibok ng puso ni Isha.

The man who owned the heart he had secretly loved for so long.

Tahimik na napatingin si Carlo sa pintuan kung saan nawala si Malcolm.

Then he lowered his head.

At sa unang pagkakataon, hinayaan niyang marinig ng sarili niya ang tanong na matagal na niyang iniiwasan.

“Kung nagsabi lang ba ako sa'yo…”

Mahina niyang sambit, na para bang naroon si Isha at nakikinig sa kanya.

“Bago mo nakilala si Malcolm noon…”

Napapikit siya.

“Malalaman mo ba agad ang nararamdaman ko?”

Isang mapait na ngiti ang sumilay sa kanyang labi.

“May pag-asa ba kaya ako?”


CLICK SEARCH FOR CHAPTER 12



Comments

Popular posts from this blog

Serenading my Heart When love blooms (Anomaly in Aisle Three: TIdes of Tme)

  Seranading my heart when love blooms  (Anomaly in Aisle Three: Tides of Time)  Author: 15 Blurb:  What if you were given one chance to meet the love of your life… fifteen years before he ever knew you existed? Sa pagliwanag ng mahiwagang libro, unti-unting naglaho ang paligid ko. The present dissolved like mist, and when my eyes opened again, I was no longer where I belonged. I had returned to the past-fifteen years ago, sa panahong hindi mo pa ako kilala, sa panahong pangalan ko ay wala pa sa mundo mo. Sa panahong ito, mahal, hindi mo pa alam ang pangalan ko. Hindi mo pa alam ang kwento ko, ang mga sugat na darating, ang mga halakhak at luha na pagsasaluhan natin balang araw. You looked at the world with the innocence of someone who had not yet loved and lost-and yet, my heart already knew you. Gusto kitang yakapin. Nais kong lumapit, ibalot ang mga bisig ko sa'yo, at maramdaman muli ang init ng yakap mo-the kind of warmth that once felt like home. I wanted to ...
   CHAPTER 2 Tides of time  “Mal… Malcolm!” I jolted awake, my body lurching upright as if my soul had been ripped back from somewhere it wanted to stay. My chest rose and fell unevenly, my hands trembling as the remnants of my dream clung to me. In it, I saw Malcolm walking away, farther and farther, his figure slowly dissolving into the distance no matter how loudly I called his name.  Kung sa panaginip ko lang naman siya muling makakasama, hindi ko na nanaisin pang magising sa realidad. Mas gugustuhin ko na lamang ang matulog habang-buhay—sapagkat sa mundo ng panaginip, buhay pa siya. Doon, hindi niya ako iniwan. Doon, hindi ko kailangang magtanong kung bakit siya nawala. Doon, akin pa rin siya—buo, totoo, at walang hangganan ang oras. Sa bawat pagdilat ng aking mga mata, pilit kong pinipigilan ang liwanag ng umaga. Para bang ang paggising ay isang uri ng pagtalikod sa kanya. Sa panaginip, naroon pa ang kanyang tinig, ang init ng kanyang yakap, ang mga pangakong h...
  CHAPTER 3   Carrying our love that did not yet exist in your time  I still couldn’t believe it— that I had travelled back fifteen years into the past. Sa panahong ito, sa lugar na ito, dito ko unang nakilala si Malcolm. The same company. The same hallway. The same version of him— unaware that I had already lived a lifetime loving him. Tahimik lang akong nakatayo, pinagmamasdan siya mula sa malayo. Lalapitan ko ba siya? Or should I stay where I am— a stranger carrying memories he does not yet own? Before I could decide, my body moved on its own. Parang may sariling isip ang mga paa ko. Kusa akong napalingon sa likod ko— and there he was, standing just a few steps away, close enough to shatter my breath. “ Ikaw yung bookkeeping, diba? ” Nanigas ako. My breath caught, my heart pounding so loudly I was sure he could hear it. I couldn’t believe it. The words that escaped my lips were the exact same words I had said fifteen years ago. Was this really happening on its own...