CHAPTER 3  

Carrying our love that did not yet exist in your time 


I still couldn’t believe it—
that I had travelled back fifteen years into the past.

Sa panahong ito, sa lugar na ito, dito ko unang nakilala si Malcolm.
The same company. The same hallway.
The same version of him—
unaware that I had already lived a lifetime loving him.

Tahimik lang akong nakatayo, pinagmamasdan siya mula sa malayo.
Lalapitan ko ba siya?
Or should I stay where I am—
a stranger carrying memories he does not yet own?

Before I could decide, my body moved on its own.

Parang may sariling isip ang mga paa ko.
Kusa akong napalingon sa likod ko—
and there he was, standing just a few steps away, close enough to shatter my breath.

Ikaw yung bookkeeping, diba?

Nanigas ako.

My breath caught, my heart pounding so loudly I was sure he could hear it.

I couldn’t believe it.
The words that escaped my lips were the exact same words I had said fifteen years ago.

Was this really happening on its own?
Kusang inuulit ba ng panahon ang sarili nitong kuwento?
Or was this always meant to happen—no matter how much I tried to change it?

Napakagat ako sa aking labi, biglang nahiya sa sarili.
Shocks, self.

I lifted my gaze and met his eyes.... 
eyes that didn’t recognize me yet.

Ah… haha, oo,” sagot niya.
Wala pa ring pinagbago sa kanya.

Napangiti ako.

This time, hindi ko na tinanong ang kasunod kong tanong noon—

“Bakit bookkeeping? Meaning books? Sa library?”


Dahil alam ko na ang sagot.

Bigla akong natawa sa sarili ko.
Nababaliw na ba ako?


His eyes lingered.

Mga matang tahimik na nagmamasid, nakatitig si Malcolm sa babaeng nasa harapan niya.
He watched her closely, as if she carried something invisible
a story he couldn’t quite remember, yet strangely felt.

Hindi niya mawari kung ano ang tumatakbo sa isip niya.
Why did she suddenly laugh, her head bowed, eyes fixed on the floor,
as if she were hiding a memory meant only for herself?

Something about her felt… familiar.

Hindi ko alam,” bulong niya sa sarili, “pero parang may kakaiba sa kanya.

There was a softness in the way she smiled,
a warmth that reached him without permission.

Nagtataka ako kung bakit natutuwa ako sa tuwing nakikita ko siyang ngumingiti.

As if her happiness awakened something long asleep inside him.

Nagkakilala na ba kami dati?

The question echoed quietly in his mind—
unanswerable, yet persistent.

He searched her face for an answer, for a clue,
but all he found was a feeling that refused to fade.

At that moment, Malcolm realized something unsettling:
some connections don’t begin with introductions.

Some are remembered by the heart long before the mind can catch up.


Ikaw si Isha, diba? Yung author na nagsusulat ng novel.

Bigla akong napahinto.
Same question. Same moment. Same answer—just like before.

Oo,” sagot ko, sabay ngiti ng matamis sa kanya.

I carried our love quietly—
parang isang lihim na isiniksik sa pagitan ng tibok ng puso at paghinga.

A love that did not yet exist in your time,
but had already lived fully in mine.

Nagpatuloy kami sa paglalakad, nagkuwentuhan tulad ng dati.
Natural. Magaan.
As if matagal na naming kilala ang isa’t isa.

Sa mundo mo, wala pa ako sa iyong mga pangarap.
Hindi pa nabibigkas ang pangalan ko sa iyong mga dasal,
at ang salitang tayo ay wala pang kahulugan.

But in my time, I had already loved you.
Buong-buo. Walang alinlangan.

I learned how to miss you
kahit hindi pa kita nakikilala sa paraang alam mo.

Habang ikaw ay abala sa pagbuo ng sarili mo,
I was already carrying the weight of us—
the memories we hadn’t made,
the conversations we hadn’t shared,
the kisses that time refused to allow.

Minsan, masakit magmahal nang mag-isa sa iisang kuwento.
To love someone who exists,
but not yet in the same chapter.

Yet I waited.
Tahimik. Matatag. Umaasa.

Dahil alam ko, darating ang sandaling magtatagpo ang oras natin.

At kapag nangyari iyon,
you will not understand why my love feels so familiar,
why my touch feels like a memory,
why my heart knows yours by instinct.

Dahil mahal na kita noon pa.
Sa panahong hindi mo pa ako kayang mahalin.

At kahit huli kang dumating sa aking kuwento,
ikaw pa rin ang simula at wakas ng lahat ng ito.

And yes,
I am here, carrying our love,
a love that did not exist in your time

but already lived fully in mine. 

What’s your full name pala?” bigla niyang tanong.

Napatingin ako sa kanya, bahagyang natigilan.
Hindi ito ang tanong niya sa akin noon.
Fifteen years ago, ako ang unang naglahad ng kamay ko,
ako ang kusang nagpakilala.

But this time…
siya ang nagtanong.

Interesting.

Maari bang baguhin ang nangyari sa nakaraan?
Kung nagbabago ang maliliit na detalye,
may pagkakataon ba akong pigilan ang hinaharap na kinatatakutan ko?

Ang hinaharap kung saan—
imbes na ako ang tamaan noon,
bigla siyang dumating at hinarang ang bala.
Siya ang namatay.
At ang kriminal na gumawa nito…
basta na lang nakalaya.

Nagngingitngit ang kalooban ko sa tuwing naaalala ko iyon.
Ang sakit na parang kahapon lang nangyari.

Maari kaya akong mamatay imbes na siya?
Pwede ko bang baguhin ang hinaharap?

“Isha!”

Parang binuhusan ako ng malamig na tubig.
Bigla akong nagising sa kasalukuyan.

Okay ka lang?” tanong niya, may halong pag-aalala sa mga mata.

Ngumiti ako, kahit nanginginig ang loob ko,
at marahang tumango.

I’m Scarlet Elisia Snow Garcia,” sabi ko,
you can call me Isha.

Ilalahad ko na sana ang kamay ko sa kanya
just like before, para makipag-handshake.

Ngunit naunahan niya ako.

Sa sandaling iyon, parang sumabog ang dibdib ko sa tuwa.
Pwede bang level up agad?
Yakapan na lang sana, hindi na handshake.

I missed you too much para lang makipagkamay sayo

Sa pagdampi ng aming mga kamay,
nararamdaman ko ang init ng kanyang palad. 
At gaya ng dati—
bigla akong nakuryente.

Kahit sa pagbabalik ko sa panahong ito,
kahit sa pagtatangkang baguhin ang kapalaran,
may spark pa rin tayo.

And in that single touch,
a memory whispered back to me...

You’re my soulmate.
My other half.

The first reminder
that no matter how time twists itself,
some bonds refuse to break.



Comments

Popular posts from this blog

Serenading my Heart When love blooms (Anomaly in Aisle Three: TIdes of Tme)