Serenading my Heart When love blooms (Anomaly in Aisle Three: TIdes of Tme)

 


Seranading my heart when love blooms 
(Anomaly in Aisle Three: Tides of Time) 
Author: Reign


Blurb: 

Sa pagliwanag ng mahiwagang libro, unti-unting naglaho ang paligid ko. The present dissolved like mist, and when my eyes opened again, I was no longer where I belonged. I had returned to the past-fifteen years ago, sa panahong hindi mo pa ako kilala, sa panahong pangalan ko ay wala pa sa mundo mo.  Sa panahong ito, mahal, hindi mo pa alam ang pangalan ko. Hindi mo pa alam ang kwento ko, ang mga sugat na darating, ang mga halakhak at luha na pagsasaluhan natin balang araw. You looked at the world with the innocence of someone who had not yet loved and lost-and yet, my heart already knew you.

Gusto kitang yakapin.

Nais kong lumapit, ibalot ang mga bisig ko sa'yo, at maramdaman muli ang init ng yakap mo-the kind of warmth that once felt like home. I wanted to tell you everything: that you would change my life, that loving you would be both my greatest joy and my deepest ache.

Ngunit hindi maaari.

Dahil sa panahong ito, isa lamang akong estrangherong dumaraan. I am someone you have not yet met, someone your heart has not yet learned to recognize. And so I stood there, watching you from a distance, carrying a love that did not yet exist in your time-but already lived fully in mine.
©All Rights Reserved 2026


Chapter 1: 

Where Grief Fell Like Rain


I love the ocean but do I really have to drown in it? 

Kaya pala kita nakilala agad.
Kaya pala minahal kita nang ganoon kabilis—dahil hindi pala tayo binigyan ng panahon para magkasamang tumanda.

Habang nakatayo ako roon, nakatitig sa lugar kung saan ka nakalibing, tahimik ang mundo pero wasak ang loob ko. My heart was screaming. Hindi ko mapigilan ang tuloy-tuloy na pagdaloy ng aking mga luha, bawat patak ay may kasamang tanong na hindi na masasagot.

Sa tuwing naiisip kong wala ka na sa tabi ko, pakiramdam ko'y ako'y nag-iisa sa ilalim ng karagatan—walang liwanag, walang hangin, walang makakapitan. I was drowning in memories, gasping for a love that would never come back.

Kung hindi mo ba hinarang ang sarili mo para iligtas ako...
Hindi ka ba mawawala?

Paulit-ulit na umiikot ang tanong sa isip ko, parang alon na walang pagod humahampas sa dalampasigan ng konsensya ko. Dapat ba ako ang narito ngayon at hindi ikaw? Should it have been me lying beneath the ground instead of you? 

Kung sana ako na lamang iyon.
Kung sana ako ang nawala—at hindi ikaw na siyang mundo ko.

Ngunit kahit anong palit ng tadhana ang isipin ko, isang katotohanan lang ang hindi mababago,  you chose to save me, even if it meant losing your life. And now, I am left here—alive, breathing, carrying the weight of a life you gave me, trying to learn how to live without you.


Ito ba ay parusa?

Hindi ko na alam. The question echoes inside me, walang sagot, walang katapusan. Bakit kailangan ako pa? Bakit sa dinami-dami ng tao sa mundong ito, ako pa ang piniling magdusa? Why me, when there are so many others who could have carried this pain instead?

Paulit-ulit kong tinatanong ang langit, ang tadhana, ang Diyos—trying to understand why all of this had to happen.  Mas madaling tanggapin ang sakit kung may paliwanag. Pero ang katahimikan ang tanging isinagot sa akin. 

Saglit kong ipinikit ang aking mga mata nang dumampi ang malamig na hangin sa aking balat. It wrapped around me softly, parang yakap na matagal ko nang hinahanap. For a brief moment, I let myself believe it was you—na naroon ka pa rin, tahimik ngunit nagmamasid.

Nalulungkot ka ba diyan sa langit, mahal ko, seeing me like this? Watching me fall apart, piece by piece? 


Ako ang naiwan na buhay, ngunit pakiramdam ko'y kasama mo rin akong namatay. I continue to breathe, to walk, to exist—but a part of me was buried with you. And now, I am living a life that feels like an echo of the one we were supposed to have.


Biglang bumuhos ang malakas na ulan. Walang babala, walang awa.
Napangiti ako ng mapait.

Ang swerte ko naman talaga...
Hindi—mali. Ako pala ang pinaka‑malas sa buong sanlibutan.

"Okay na rin 'tong magkasakit sa ulan," bulong ko sa sarili ko, sabay tawang pilit ngunit malakas, parang gusto kong lokohin ang mundo. "Para makasama na kita."

Pero kahit ang halakhak ko ay walang laman.

Nanatili pa rin akong tulala, nakatayo at nakatitig lamang sa kawalan. The rain blurred everything, the sky, the trees, even the line between what was real and what I wished was. Humiga ako sa ibabaw ng puntod mo, hinayaan ang sarili kong mabasa. I closed my eyes and let the rain claim me.

Mas gusto ko na lang 'yung ganito.
At least kasama kita, 'di ba?


"Ayaw na ayaw mo akong nakikitang nagkakaganito, mahal ko... 'di ba?" mahina kong sabi, "Pwede bang bumaba ka muna diyan saglit? Kahit saglit lang... yakapin mo lang ako."

 Halos hindi na makahinga. 

"Sabi ko sa'yo, ikaw lang ang kailangan ko. Ikaw lang ang kailangan ko para maging okay ulit ako. So bakit wala ka ngayon?"

Ang bawat patak ng ulan ay parang humahalo sa luha ko, sabay-sabay nila akong nilulunod. I was drowning—not in water, but in grief, in longing, in a love that no longer had a body to return to.

Nanlalabo na ang aking mga mata. The world softened at the edges. Bago tuluyang pumikit ang paningin ko, may nakita akong anyo sa harap ko. Hindi ko alam kung ikaw ba iyon o guni-guni lang ng isang pusong wasak. Nakatitig ka lamang sa akin—tahimik, tulad ng dati.

Ngumiti ako.

Isang ngiting puno ng pagod, ngunit may kapayapaan.

"Pwede bang yakapin mo ako, mahal?" bulong ko sa hangin.

At pagkatapos noon, wala na akong maalala.
Because everything went black.

"Ako ay nilunod ng ulan at ng ating mga alaala" 


 - OTHER PERSON'S POINT OF VIEW -

Patuloy pa rin kami sa paghahanap sa kanya. Ilang oras na siyang nawawala, at hanggang ngayon ay wala pa ring bakas ng kanyang pagbabalik. The rain kept pouring, relentless and unforgiving, parang ayaw ding tumigil sa pagbuhos ng ulan. Malamig ang hangin, at sa bawat minutong lumilipas, mas lalo akong kinakain ng kaba. Baka nagpa‑ulan na naman siya—baka hinayaan na naman niyang lamunin siya ng lungkot.

"Isha... nasaan ka na ba?" bulong ko sa sarili ko

Nang makarating ako sa sementeryo—sa lugar kung saan nakalibing si Malcolm—may kung anong biglang sumikip sa dibdib ko. And then I saw her. Isang pamilyar na anyo sa gitna ng malakas na ulan at malamig na hangin. Na kung san siya ay nakahiga, basang-basa, parang wala nang lakas. 

"Ishaaa..." mahina kong tawag, nanginginig ang boses ko. Hindi ko napigilan ang mga luha na biglang tumulo. Masakit. Sobrang sakit makita kang ganito—wasak, pagod,  na para bang kasama kadin niyang namayapa din. 

It's been two years since Malcolm died.
Bakit hanggang ngayon, hindi ka pa rin makaalis sa lugar na ito? Bakit parang dito ka pa rin nabubuhay—kasama ang alaala niya?

Sa dalawang taon na magkasama tayo... bakit hindi mo ako nakita? Why was I never enough for you to stay?

"Pwede bang yakapin mo ako, mahal?" mahina niyang sabi, may pilit na ngiti sa labi, nanghihina ang katawan. 

Alam ko.
Hindi ako ang tinatawag niya. Si Malcolm ang nasa isip niya ngayon—siya ang gusto niyang yumakap, siya ang hinahanap ng puso niya. But I couldn't stop myself. I wrapped my arms around her, holding her tightly, as if I could shield her from the rain, from the past, from the pain that kept dragging her back here.

Binuhat ko siya pauwi, bawat hakbang mabigat, hindi lang dahil sa ulan, kundi dahil sa bigat ng katotohanan.

"Gagawin ko ang lahat," bulong ko habang yakap-yakap siya, "para makalimutan mo siya."

Kahit hindi ko alam kung kaya ko.
Kahit hindi ko alam kung may natitira pang puwang sa puso mong matagal nang may iba. 

CLICK SEARCH FOR "CHAPTER 2" 

Comments

Popular posts from this blog