CHAPTER 10
THE PLACE I NEVER HAD
Nagising si Isha sa pakiramdam ng maiinit na halik sa kanyang leeg.
Mahigpit itong nakayakap mula sa likuran niya, habang ang pamilyar na presensya ng isang taong matagal niyang hinintay ay muling bumabalot sa kanya.
It was Malcolm.
And just like every morning since they started living together, iyon ang unang bagay na nararamdaman ni Isha pagkagising—ang mga halik ni Malcolm sa kanyang leeg, ang mga bisig nitong mahigpit na nakapulupot sa kanyang katawan, at ang init ng lalaking minsan niyang pinangarap lamang na makasama muli.
The same thing happened in the future.
Only this time, she wasn't dreaming.
Napangiti si Isha.
"Ang sarap naman ng umaga ko niyan, mahal," bulong niya, habang pinipigilan ang sarili na matawa sa kiliti ng mga halik nito.
Hindi sumagot si Malcolm.
Sa halip, ipinagpatuloy lamang nito ang marahan nitong paghalik sa kanyang leeg hanggang sa unti-unting naglaho ang mundo sa paligid nila—hanggang sa silang dalawa na lamang ang naroroon.
Nang akmang hahalikan siya ni Malcolm sa labi, bahagyang umiwas si Isha.
"Baka bad breath ako. Bagong gising," biro niya.
Napahinga nang bahagya si Malcolm bago siya tingnan.
"No."
"Never ka naging bad breath sa akin, mahal."
Napatingin lamang si Isha sa kanya.
For a moment, neither of them spoke.
Nagtagpo ang kanilang mga mata, hanggang sa unti-unting bumaba ang tingin ni Malcolm sa mga labi niya.
"Oum," mahina lamang na nasabi ni Isha.
Habang mainit siyang hinahalikan ni Malcolm..
Isang halik na parang simpleng bagay lamang, pero para kay Isha, it was another reminder that somehow, fate had given her something she once thought she had lost forever.
Sa mga araw na magkasama sila, puro pagmamahal ang laman ng kanilang munting mundo.
They ate together.
They slept beside each other.
They laughed over the smallest things.
And sometimes, Isha would simply stare at Malcolm while he was doing something ordinary, wondering how something so ordinary could feel so precious.
Matagal-tagal din silang nagsama nang dalawa dahil nag-request ng leave si Malcolm sa trabaho.
But that day, kailangan na niyang bumalik.
At marahil, isa rin iyon sa dahilan kung bakit ayaw niyang umalis sa tabi ni Isha.
Samantala, si Isha naman ay hindi na muling naghanap ng trabaho.
Malcolm had already offered to work for both of them.
At kahit nagdadalawang-isip siya noong una, pumayag na rin si Isha.
Not because she wanted to depend on him.
But because she wanted to spend whatever time she had left with him.
Gusto niyang alagaan si Malcolm.
Gusto niyang makasama siya.
At higit sa lahat, gusto niyang gawin ang lahat ng mga bagay na hindi niya nagawa noon.
Because somewhere deep inside her heart, she knew that their time in this time wasn't forever.
There was still a countdown.
There was still an ending waiting for them.
And Isha didn't want to waste even a single second.
"I love you so much... misis ko."
Napatigil si Isha.
Mabilis siyang napatingin kay Malcolm.
"Misis ko?"
Napangiti si Malcolm.
"Oo. Misis ko."
Something warm spread through her chest.
Hindi niya alam kung bakit isang simpleng salita lamang iyon, pero nanggaling sa bibig ni Malcolm, it felt like a promise.
"Ang sweet naman," mahina niyang sagot. "I love you more, asawa ko."
Ngumiti siya nang matamis.
"Ba't mo naman naisipang tawagin akong misis mo?"
"Dahil asawa na kita."
Hinalikan siya ni Malcolm sa pisngi.
"At misis na kita."
Napatawa nang mahina si Isha.
"Papakasalan mo naman ba ako?"
Malcolm looked at her as if the answer should have been obvious.
"Of course."
Napangiti ito.
"Pwede ba 'yung hindi?"
Tumawa si Isha at marahang hinampas ang braso nito.
"Malalaman natin."
"Malalaman natin?"
"Secret."
"Eh di mas lalo kitang pakakasalan."
Pareho silang natawa.
For a little while, Isha allowed herself to forget.
Forget the countdown.
Forget the accident.
Forget the future.
Forget that somewhere beyond this happiness was a goodbye she wasn't ready to face.
For now, Malcolm was here.
And that was enough.
----------
Pagkatapos nilang mag-breakfast, naghanda na si Malcolm para pumasok sa trabaho.
Naiwan si Isha sa bahay habang inaayos ang pinagkainan nila.
Tahimik ang apartment.
Too quiet.
Napatingin siya sa upuang kanina lamang ay inuupuan ni Malcolm.
Napangiti siya.
"Mag-ingat ka, mahal," bulong niya kahit wala na ito roon.
Maya-maya, biglang nag-vibrate ang kanyang cellphone.
A message from Carlo.
Can we meet? It's been days. We haven't talked properly.
Napaisip si Isha.
Ilang araw na rin nga silang hindi nagkikita.
Kaya bago dumating ang oras ng kanilang pagkikita, inayos muna niya ang bahay nila ni Malcolm.
She wanted everything to be ready when he came home.
Bandang hapon nang tuluyan siyang umalis.
Nagkita sila ni Carlo sa isang restaurant kung saan nagpa-reserve ito ng table.
Pagpasok ni Isha, agad niyang nakita si Carlo na nakaupo sa loob.
"Carly."
Bahagyang nagulat si Carlo.
For three years, hindi niya narinig mula kay Isha ang palayaw na iyon.
"Carly."
A name from a childhood he had almost forgotten how much he treasured.
"El."
Tumayo si Carlo at magalang na tinulungan siyang makaupo.
"Kumusta ka naman?" tanong niya. "You look happy."
Ngumiti si Isha.
"Okay lang naman. And yeah..."
Saglit siyang napatingin sa paligid bago muling ngumiti.
"Masaya talaga ako kasi finally kasama ko na si Malcolm."
Natahimik si Carlo.
"Samantalang dati rati," patuloy ni Isha, "hiniling ko lang sa Poong Maykapal na bigyan ako ng pagkakataong makasama siyang muli. Kahit sa panaginip lang."
Ngumiti si Carlo.
Pero may kung anong sakit na nakatago sa likod ng ngiting iyon.
"Buti naman."
Mabilis niyang ibinaling ang tingin sa menu.
"Order ka lang. It's on me. Libre ko."
"Talaga?"
"Oo."
Excited na kinuha ni Isha ang menu at agad na umorder ng paborito niyang pagkain.
Nang dumating ang pagkain, bahagyang natawa si Carlo.
"Walang kasawa-sawang sabaw nanaman."
Napatawa rin si Isha.
"Eh favorite ko 'to."
"I know."
Simple lamang ang dalawang salitang iyon.
But Carlo knew.
He had always known.
Matapos nilang kumain nang ilang minuto, biglang naging seryoso ang mukha ni Carlo.
"El..."
Napatingin si Isha.
"Anong balak mo pagkatapos ng oras natin dito?"
Hindi agad nakasagot si Isha.
"I mean..." Huminga nang malalim si Carlo. "Anong balak mo tungkol dun sa... sa aksidente. Alam mo na."
Unti-unting nawala ang ngiti sa mukha ni Isha.
Her eyes fell to the table.
Marahil, sa lahat ng bagay na ayaw niyang isipin, iyon ang pinakamahirap.
Because no matter how happy she was, she knew this wasn't forever.
"Ahh..." mahina niyang sabi. "Sa ngayon, gusto ko lang munang mas makasama pa siya, Carlo."
Tumingin siya rito.
"Gusto kong mas alagaan siya."
Sandali siyang natahimik.
"Gusto kong gawin yung mga bagay na hindi ko nagawa dati sa kanya."
Her voice trembled.
"Yung mga regrets ko, Carlo. Gusto kong gawin lahat."
Huminga siya nang malalim.
"Gusto kong ibuhos sa kanya lahat ng pagmamahal na hindi ko naibigay noon."
Tahimik lamang si Carlo.
"Pasensya ka na kung naitanong ko iyon, Isha."
Ngumiti siya nang mapait.
"Gusto ko lang din malaman mo na kapag dumating ang panahong iyon... alam kong masasaktan ka ulit, El."
Huminto siya.
"But this time, kailangan mong tanggapin."
Ilang minuto na hindi sumagot si Isha.
Because deep inside, she already knew the truth.
She could never accept it.
Never.
Hindi siya handang mawala muli si Malcolm.
Hindi na.
"Gagawan ko ng paraan iyon, Carlo."
Mabagal niyang itinaas ang tingin.
"Gagawin ko ang lahat para mailigtas siya sa aksidenteng iyon."
Agad na napatingin si Carlo sa kanya.
"Pakiusap lang, El."
His voice became almost a whisper.
"Wag mong gawin ang sinabi mong gagawin mo."
Napakunot ang noo ni Isha.
"Wag mong ipagpalit ang buhay mo sa kanya."
Natahimik siya.
Because Carlo knew.
He knew exactly how far Isha was willing to go.
At sa isip ni Isha, paulit-ulit na bumalik ang isang posibilidad.
What if Malcolm were the one who had to live with her death?
What if siya naman ang maiwan?
She imagined Malcolm waking up without her.
Crying.
Blaming himself.
Living with the same kind of pain she had carried for years.
Hindi niya kayang isipin iyon.
Because if she had learned anything from losing Malcolm once, it was this:
Love could survive death.
But sometimes, the person left behind had to survive the pain alone.
Bahagyang ngumiti si Isha.
"Huwag kang mag-alala, Carly."
Tinitigan niya si Carlo.
"Gagawin ko ang lahat."
Then she smiled.
"Para sa huli... meron kaming happily ever after."
Nag-pause siya.
"Na magkasama."
Tinitigan lamang siya ni Carlo.
Ngumiti siya nang malungkot.
Ramdam niya ang bigat sa likod ng mga salitang iyon.
And somehow, he wished he could tell her that she deserved that happiness.
Even if he knew he would never be the reason for it.
"Eh, ikaw, Carly?" biglang tanong ni Isha, pilit na binabago ang usapan. "Kumusta ka naman?"
Nagbago ang tono ng boses niya.
"Hmm..." sagot ni Carlo. "Heto. Okay lang din."
"Sos. Ang tipid naman ng sagot."
Napangisi si Isha.
"Makipag-date ka na kasi para hindi ka nagmumukhang lonely."
"Sinong may sabing lonely ako?" mabilis na sagot ni Carlo. "Hindi ako lonely, nu."
"Okay. Sabi mo eh."
Tumawa si Isha.
Napangiti rin si Carlo.
But when Isha looked away, the smile slowly disappeared from his face.
Because the truth was...
He was lonely.
Sobra.
Mag-isa lamang siya sa buhay.
And he had tried.
He had tried dating other people.
He had tried convincing himself that maybe someone else could fill the space Isha had occupied in his heart for so many years.
But every time he tried, he failed.
Because how could he love someone else when his heart was still waiting for a woman who had already given her heart to another man?
So he stopped trying.
He stopped searching.
And eventually, he accepted the painful truth.
Maybe even in this lifetime...
There was never going to be a place for him in Isha's heart.
-------
Maya-maya, biglang nag-vibrate ang cellphone ni Isha.
She looked at the screen.
A message from Malcolm.
I'm off work. Dinner outside?
Biglang lumiwanag ang mukha niya.
"Si Malcolm."
Nakangiti siyang tumayo habang inaayos ang kanyang gamit.
"Carly, salamat talaga sa food, ah. Bawi ako next time. Ako naman ang manlilibre sa'yo."
"Sure."
"Sorry talaga. Kailangan ko nang mauna kasi naka-out na si Malcolm sa trabaho niya. Magdi-dinner daw kami sa labas."
Kitang-kita ni Carlo ang excitement sa mga mata ni Isha.
The kind of happiness he had always wanted to give her.
But never could.
"Ahh... sige."
Ngumiti siya.
"Salamat din sa time, Isha."
"Bye, Carly. Chat-chat na lang."
Tumango si Carlo.
"Bye, El."
At tuluyan nang umalis si Isha.
Bawat hakbang nito palayo sa kanya ay parang unti-unting bumabagal sa paningin ni Carlo.
Slow motion.
One step.
Then another.
Hanggang sa unti-unting napalitan ng isang lumang alaala ang tanawin sa harap niya.
A memory from a time when love was still innocent.
When he didn't know that one day, the girl walking away from him would become the person he could never have.
FLASHBACK
Masayang nakaupo si Carlo sa isang duyan sa probinsya nila.
Eight years old pa lamang siya noon.
Bakasyon sa school kaya isinama siya ng kanyang pamilya sa probinsya.
Tahimik ang paligid.
The afternoon breeze was gentle.
Until he heard something.
"La... la... la... la..."
Napalingon si Carlo.
May isang batang babae na papalapit.
Cute.
Mahaba ang buhok na nakatirintas, nakasuot ng blue dress, at may hawak na brown teddy bear.
Paikot-ikot itong naglalakad habang kumakanta.
"La... la... la..."
Napatawa si Carlo.
Wala naman itong ibang lyrics.
"La-la-la" lang.
"Hi, bata."
Dahan-dahang lumingon ang batang babae.
Parang bumagal ang paligid nang ngumiti ito sa kanya.
"Hi."
Magiliw ang sagot nito.
Hindi agad nakasagot si Carlo.
He just stared.
"BINGI KA?!"
Bahagyang nilakasan ng batang babae ang boses nito.
Napakamot sa ulo si Carlo.
"Haha..."
"Akala ko bingi ka."
"Hindi ako bingi."
Umayos siya ng upo.
"Ako nga pala si Carlo."
Tumingin siya sa batang babae.
"Ikaw? Anong pangalan mo?"
Ngumiti ito.
"Ako si Isha."
"Isha..."
Inulit niya ang pangalan nito na para bang gusto niyang kabisaduhin agad.
"It's nice to meet you, Isha."
Iniabot niya ang kanyang kamay.
At walang pag-aalinlangang tinanggap iyon ng batang babae.
Maliit ang mga kamay nila noon.
Simple lamang ang pagkikita.
Simple lamang ang pagkakaibigan na nagsimula sa isang "Hi."
But for Carlo...
Something about that moment stayed.
Even after the years passed.
Even after they grew older.
Even after Isha fell in love with someone else.
Somewhere in the heart of an eight-year-old boy, a feeling had already taken root.
A feeling he didn't yet know how to name.
But he knew one thing.
He wanted to be beside her.
He wanted to make her laugh.
He wanted to be the person she would look for when she was sad.
And perhaps, somewhere in that innocent little heart...
he had already chosen her.
END OF FLASHBACK
Dahan-dahang bumalik si Carlo sa kasalukuyan.
Tahimik na ang restaurant.
Wala na si Isha sa kanyang paningin.
Only an empty chair remained across from him.
Ang upuang kanina lamang ay inuupuan ng babaeng minahal niya nang higit sa lahat.
Mabagal na napatingin si Carlo sa mesa.
Sa dalawang basong halos ubos na.
Sa plato.
Sa upuang wala na ang taong gusto niyang manatili roon.
At doon niya muling naramdaman ang bigat sa kanyang dibdib.
Dahan-dahan niyang pinunasan ang luhang tumulo sa kanyang mata.
"Still her..."
Mahina niyang bulong.
Tumawa siya nang mapait.
"After all these years..."
Sandali siyang pumikit.
Naalala niya ang batang babae sa blue dress.
Ang batang babae na unang nakilala niya sa isang simpleng hapon sa probinsya.
Ang batang babae na tinawag siyang Carly.
Ang batang babae na naging pinakamatalik niyang kaibigan.
At ang babaeng hanggang ngayon ay hindi niya kayang mahalin nang kaunti lamang.
"Siguro..." mahina niyang sambit.
"Siguro, ito talaga ang place na never ko nagkaroon."
Napatingin siya sa bakanteng upuan ni Isha.
Hindi dahil walang nagmamahal sa kanya.
Hindi dahil wala siyang halaga.
But because the one place he had always wanted...
was beside her.
And that place had never been his.
Muli niyang pinunasan ang luha.
Then, slowly, he smiled.
A broken smile.
The kind of smile that said he had finally accepted something his heart had refused to accept for years.
"I'll still be here, El."
Mahina niyang sinabi, kahit alam niyang hindi niya dapat iyon sabihin.
"Even if I can never be the one you choose."
Napatingin siya sa pintuan kung saan tuluyan nang nawala si Isha.
And for the first time, Carlo allowed himself to admit the truth.
He had loved her since he was eight.
He had loved her through every year that followed.
And maybe...
he would continue loving her even when there was no place left for him in her story.
Because sometimes, love wasn't about being chosen.
Sometimes, it was simply about loving someone enough to let them be happy—
even when their happiness had nothing to do with you.
Dahan-dahan siyang tumayo.
Kinuha niya ang kanyang gamit.
At bago siya tuluyang lumabas ng restaurant, muli niyang tiningnan ang bakanteng upuan.
The place she had occupied only moments ago.
The place he had secretly wished could someday be his.
But it never was.
And perhaps...
it never would be.
The place he never had.
CLICK SEARCH FOR CHAPTER 11
Comments
Post a Comment