CHAPTER 4
Time’s Unfinished Wounds
Habang naglalakad ako sa tahimik na daan, biglang humigpit ang hangin sa paligid—parang may bumigat sa bawat hakbang ko.
Then I saw him.
Isang mukha na hindi ko inaasahang makikita. Not here. Not in this time.
“Isha!”
Carlo? a..anong ginagawa niya dito?
His eyes burned with something between anger and fear as he crossed the distance in long, furious strides. Before I could even breathe, he grabbed my wrist and pulled me aside, his grip sharp enough to hurt.
“Wow—ang sakit,” napasinghal ako, trying to pull away. “Ano bang ginagawa mo dito? And how did you even find this place?”
“IKAW!” sigaw niya, bawat salita parang martilyong tumatama sa katahimikan. “Ano ang ginagawa mo dito?”
“A-anong ibig mong sabihin?” nauutal kong sagot. “Hindi ko maintindihan—”
Because I truly didn’t.
Sa panahong ito, sa eksaktong sandaling ito, hindi pa alam ni Carlo ang lugar kung saan ako nagtatrabaho dati. This place was never part of his past.
So why was he here?
nabago ko ba ang mga pangyayari sa nakaraan.
his voice suddenly low, almost pleading. “Hindi ko alam kung ano ang binabalak mo, pero hindi ka maaaring manatili sa mundong ’to. The past is the past.” He looked at me like he was afraid of what I might do next. “Let’s go back to the future.”
No.
My heart screamed the word before my lips could.
Anong nangyari… at bakit nandito siya, kasama ko sa nakaraan?
“Paanong nangyari ’to?” bulong ko. “Wait—are you from the future too?” Napailing ako, panic creeping in. “Hindi dapat ganito. Ako lang ang nandito. Hindi ka kasama sa dapat mangyari, Carlo.”
He closed his eyes, as if bracing himself against a truth he never asked for.
“Alam ko,” sabi niya. “At hindi ko rin alam kung panaginip ba ’to o totoong nangyayari na.” Huminga siya nang malalim. “Ang naaalala ko lang yung ilaw sa kwarto mo. Sobrang nag-alala ako, lumapit ako sa’yo, hinawakan kita…” Napangiti siyang mapait. “Pagmulat ko ng mata, nasa bahay na namin ako”
Tumigil siya sandali at dahan dahan na tumingin sa akin.
“Fifteen years ago.”
Napabuntong-hininga ako. Parang may pader na gumuho sa loob ko.
It was supposed to be me alone. Ako lang dapat. Hindi siya.
“Please, Isha,” halos pabulong na ang tinig niya. “Tama na. Isara mo na ang sarili mo sa nakaraan. Hindi na mababago ang hinaharap.” Tumingin siya sa akin, sugatan ang mga mata. “Mamamatay si Malcolm. Iyon ang nakatakda.”
“Hindi,” sagot ko, this time without hesitation. “Hindi ako papayag.”
Tumindig ako, pakiramdam ko’y mas malinaw na ang bawat hininga. “Babaguhin ko ang nakaraan. Hindi mawawala si Malcolm.” Ngumiti ako... isang ngiting puno ng kapalit. “Ako ang mawawala para sa kanya.”
“Are you insane?” sigaw niya.
Nahihibang?
Oo.
Pero siguro ganito talaga ang magmahal. You choose loss. You choose pain. You choose sacrifice—kahit ang sariling buhay—kung iyon ang tanging paraan para manatiling buhay ang taong mahal mo.
At kung ito ang kapalaran ko...
Then I will walk into it willingly.
“Isha?”
May halong pag-aalala ang tinig na biglang sumuot sa katahimikan. Napapitlag ako nang maramdaman ko ang dalawang kamay na marahang humawak sa aking mga balikat.
“May nangyayari bang masama?”
I froze.
I knew that voice.
I turned—slowly, carefully
It was Malcolm.
He stood behind me, his presence grounding and dangerous all at once. His eyes slid past me, locking onto Carlo with a look that wasn’t friendly. It wasn’t loud either...pero kung may tunog ang tingin, iyon ay babala.
“A-ah… wala lang, Malcolm,” mabilis kong sabi, forcing a smile I didn’t feel. “This is Carlo—best friend ko.”
“Sure ka?” tanong niya, brows knitting together, distrust written plainly on his face.
“So mukha ba akong yung tipo na ipapahamak siya?” singit ni Carlo, irritation sharp in his voice.
Hindi sumagot si Malcolm. He simply stared , steady, unreadable.
Then Carlo stepped forward, his words suddenly heavy, dangerous.
“Baka naman ikaw ang magdudulot ng sakit sa kanya,” sabi niya, voice low but loaded. “O sabihin na nating—mapapahamak siya dahil sa’yo.”
The air tightened.
Before the tension could snap, hinila ko na si Malcolm palayo. Bahala na kung saan kami mapunta—basta’t mailayo lang siya.
“Sino ba ’yun?” mahinahon niyang tanong habang naglalakad kami, confusion and concern mixing in his voice.
“Ah—si Carlo,” sagot ko agad. “BFF ko ’yon. Huwag mo na pansinin.” Napatawa ako, pilit pinagaan ang tono. “Medyo baliw ’yon baka hindi pa nakainom ng maintenance niya.”
Tumawa rin siya, kahit halata ang pag-aalala sa mga mata niya.
At kahit ako, muntik nang matawa sa sarili kong palusot. Kung sinabi pa ni Carlo ang tungkol sa future, baka akala ni Malcolm may mental escaped patient akong kaibigan.
But then....
Napansin ko.....
Something shifted.
His smile faded too quickly. Parang may aninong dumaan sa mga mata niya.
“Hey,” sabi ko, slowing down. “May problema ka ba?” I looked at him carefully. “You know naman you can tell me anything. I’m here. I’ll listen.”
He exhaled slowly, like he’d been holding it in for too long.
“Hindi kasi kami okay ng girlfriend ko.”
Girlfriend.
The word hit harder than I expected.
Girlfriend? May girlfriend siya sa panahong ito?
Sa lahat ng alaala ko, wala. Wala siyang naging karelasyon noon. Not like this.
So what changed?
“Hoy,” sabi niya, trying to laugh. “Isha, okay ka lang ba?” He tilted his head. “Parang ikaw yata ang may problema, hindi ako.”
Tumawa siya...but the concern never left his eyes.
“A-ah… okay lang ako,” sagot ko, forcing myself to breathe. “Sorry. Anong pangalan nga ulit ng… girlfriend mo?”
My heart started racing.
Hindi ko maintindihan ang mga nangyayari. Parang may kulang sa alaala ko—o may nadagdag na hindi dapat naroon.
“Gabriella,” sagot niya. “Gabriella ang pangalan niya.”
The world tilted.
Parang sabay bumagsak ang langit at lupa sa dibdib ko.
Gabriella.
Wala akong kahit anong alaala ng pangalang iyon sa buhay niya dati.
So tell me...
anong nangyari at biglang nabago ang mga pangyayari sa nakaraan at ano ang maaring mangyari? at sino ang babaeng yun? paano siya biglang napasok sa kwentong to?
nakauwi ako sa bahay ko na balisa at hindi maintindihan ang mga nanyayari..
KINABUKASAN...
“Isha, are you okay?” Malcolm asked, his voice laced with quiet confusion. “Ang tahimik mo kasi… it’s kind of unusual.”
I just stared at him longer than necessary, letting the moment stretch. In my head, the same question kept looping—how did this happen? How did he end up having a girlfriend sa panahong ito?
“Ah… I’m okay, Malcolm. Don’t worry,” I replied softly, forcing a small smile that barely reached my eyes. I couldn’t bring myself to sound cheerful, not when I already knew how things were unfolding.
He was busy with his phone, thumbs moving fast across the screen. Curious, I leaned in just a little. may mga GIF? with hearts hearts? ahhh so kausap niya sa chat yung sinasabi niyang girlfriend niya daw?
Ah… so this must be Gabriella.
“Matagal na kayo ng girlfriend mo?” I asked. Kahit masakit, I needed to know.
“Ah… six months pa lang kami.”
“Masaya kayo? I mean… okay naman?” My voice betrayed me, careful and hesitant.
“Ah… haha… hmm, okay naman,” he answered.
Okay?
Then why did your answers sound unsure?
“Sure?” I pressed gently.
He chuckled, but it faded too quickly. “Hmm… haha… busy kasi siya masyado. Wala siyang time sa akin.”
I had no words for the sadness that crossed his face. So I just nodded, offering a faint smile, the kind you give when you don’t trust your voice to speak.
“Eh ikaw,” he asked after a pause, “may boyfriend ka ba?”
Oo. Meron. Ikaw.
But how could I say that, when in this time, you already belonged to someone else?
“Ako?” I said, pretending to think. “Wala… wala eh. Walang nagkamali.”
Our eyes met, and for a brief second, the world felt too quiet. Then I was the first to look away.
Araw-araw kaming magkasama—kahit sa trabaho lang. And somehow, those days were still happy. Maybe too happy. I found myself falling for him again, deeper this time, because there were sides of him I never noticed before, back when we were us.
There was something different about him now—something I couldn’t quite name. Maybe it was in the way he looked at me, or how he spoke softer, more careful.
The way he treats me… it’s so different.
And that difference?
It scared me more than I wanted to admit.
Carlo's Point of View
"You mean that much to me "
Araw-araw ko siyang nakikitang masaya—pero hindi sa akin.
Andito lang naman ako, always present, always ready to love her. Pero ang panahon… parang may sariling isip. I’m stuck in this time, habang siya naman ay stuck sa panahong kung saan buhay pa ang lalaking pinakamamahal niya.
Gusto ko na siyang ibalik sa hinaharap. I want her back where she truly belongs.
Pero paano? Kung ako mismo, hindi ko alam kailan at paano.
Ang tanging alam ko lang—yung countdown sa braso namin.
2160 hours.
Isang linggo na kami dito. Nabawasan na ng 168 hours.
May 1,992 hours na lang kaming natitira. Which is
83 days.
Kapag ba umabot sa zero ang countdown.. ibig sabihin babalik na kami sa kasalukuyan?
Maya-maya, nakita ko si Isha sa may iskinita pauwi sa inuupahan niyang apartment. Hindi ko siya sinusundo sa workplace niya, kahit gustong-gusto ko. Ayokong magalit siya. At lalong ayokong makita siyang kasama na naman si Malcolm.
“Isha.”
Ngumiti ako nang makita ko siya.
Agad niya akong niyakap, parang doon lang siya humihinga nang maluwag.
“May problema ba?” tanong ko agad.
“Wala naman… pagod lang siguro sa trabaho,” sagot niya, pero may lungkot sa boses.
“May girlfriend pala siya sa panahong ’to,” mahina niyang dagdag. “Hindi ko maintindihan kung bakit… at paano. Kasi ako lang naman ang naging girlfriend niya noon.”
Habang naglalakad kami, kinuha ko ang bag niya. I walked her to her apartment—gaya ng lagi kong ginagawa.
Ako ang nag-aasikaso ng pagkain niya.
Ako ang laging andito.
Hindi ako nakatira dito, pero may ilan akong gamit sa apartment niya. Kasi halos araw-araw akong nandito para alagaan siya.
Hindi ko rin maintindihan ang babaeng ’to. Obvious naman na gusto ko siya. Lahat ginagawa ko para sa kanya.
Pero sa mata niya… best friend lang ako.
Parang kapatid.
May best friend bang ganito?
“Hindi ko alam kung anong isasagot ko, Isha,” sabi ko habang naglalakad kami sa sala. “Pero baka ito na yung sign para bumalik na tayo kung saan man tayo galing.”
“Paano tayo babalik,” sagot niya agad, “eh may 83 days pa tayong natitira dito? Gagamitin ko yung mga araw na ’yon para malaman lahat ng kailangan kong malaman.”
Si Malcolm na naman.
Kailan mo ba ako makikita?
“Isha,” sabi ko, pilit kong tinatawa ang sakit. “Nakita mo naman siguro ako, ’di ba?”
Bigla siyang natawa.
“Oo naman! Anong klaseng tanong ’yan, Carlo?”
“Wala… tinatanong ko lang kung nakikita mo ba talaga ako.”
“HAHAHA. Siraulo ka ba? Of course! Nagda-drama na naman tong BFF ko.”
BFF.
“Ayan na naman,” mahina kong sabi. “BFF mo lang ako. Hanggang doon lang talaga ako para sa’yo?”
“Ha?”
Huminga ako nang malalim.
“Scarlet Elisia Snow Garcia…”
Tumingin siya sa akin, nagtataka.
“MAHAL KITA.”
Napatulala siya. Tahimik ang buong mundo.
Siguro ito na. Siguro ito na yung tamang oras.
“Seryoso?” tanong niya.
Mukha ba akong nagbibiro?
Hinawakan ko ang kamay niya, tinitigan siya nang diretso.
“Mahal kita, Eli. Simula pa nung mga bata tayo. Kaya wala akong naging karelasyon hanggang ngayon dahil ikaw lang ang gusto ko. Kahit anong gawin ko para kalimutan ka, hindi ko magawa. Kahit iwasan pa kita, kahit ilang taon pa tayong hindi magkita… wala. Mahal pa rin kita. Mahal na mahal kita—higit pa sa inaakala mo.”
Wala siyang sinabi.
Niyakap lang niya ako nang mahigpit, hinahaplos ang likod ko—gaya ng ginagawa niya noon pa kapag gusto niya akong i-comfort.
Alam ko naman.
Hindi ako ang laman ng puso mo.
Pero kaya kong maghintay.
Hanggang sa kaya mo na rin akong mahalin.
“Tara,” sabi niya maya-maya, pilit na ngumiti. “Kain na tayo.”
Ngumiti na lang din ako. Hinawakan ko ang kamay niya at sabay kaming kumain.
Bago ako umalis, hinintay ko munang makatulog siya.
Hinaplos ko ang buhok niya, marahan.
Hinalikan ko ang noo niya.
“Sana dumating ang araw na mahalin mo rin ako, Eli,” bulong ko.
“Sana ako naman ang tinitibok ng puso mo… at hindi si Malcolm.”
Saglit akong napatingin sa mga labi niya.
Sana balang araw…
mahalikan din kita rito.
Hihintayin ko ang araw na ’yon.
Yung araw na sasabihin mo sa akin—
na mahal mo rin ako..
Comments
Post a Comment